“SAKTONG BUHAY: SA DEKALIDAD NA EDUKASYON PINANDAY”
By John Mark M. Francia, R.N
(Speech as Guest Speaker, Bantug-Lintao Elementary School 28th Commencement Exercises, Roxas Isabela)
Honorable Rogelio T. Guadilla, respected school principal; teachers and members of the faculty; district supervisor; distinguised guests; graduates; parents and visitors, a pleasant morning to all of you!
I am greatly honored and flattered to have been invited to speak for this very important occasion. The theme of today's event is "Saktong-Buhay: Sa Dekalidad na Edukasyon Pinanday”. This theme highlights the importance of quality education in molding a decent future for the youth. And I want to begin with three questions that I’m gonna answer as I proceed. First, who contributes to a quality education? Second would be “How to attain quality education and what are its effects?” Lastly, “Ano ba ang ibig sabihin ng isang Saktong-Buhay?”
Sino-sino ba ang mga tao na tumutulong upang makamit ng mga mag-aaral ang dekalidad na edukasyon? Sino-sino ba ang mga nakakaimpluwensya sa ating mga kabataan upang maging isang huwaran at mahusay na mag-aaral? Unang una diyan ay ang gobyerno, partikular ang Kagawaran ng Edukasyon. Epektibo ba ang ginagawang reporma upang mas mapaganda ang mga programang pang-Edukasyon? Is the government efficient to attain their desired goals? Noon lamang 2013 ay inilunsad ang K-12 program. Honestly, napakaganda ng programang ito sapagkat kaya nitong baguhin ang lebel ng edukasyon sa ating bansa. With this reform, we are not left behind anymore by other neighboring countries who have embraced this program. Ang programang ito ay magbubukas ng pinto patungo sa iba’t ibang opurtunidad saan mang parte ng mundo. Ang K-12 ay dagdag-aralin, at hindi dagdag-pasanin. Siguro nga ay marami ang tutol dito dahil likas naman sa atin ang tumutol kapag may pagbabago sapagkat gusto nating manatili kung saan tayo nasanay, kung saan tayo kumportable. Gusto nating panatilihin ang mga bagay na pamilyar na sa atin. K-12 curriculum is somewhat similar to quality education, leading into quality life. Magpasalamat tayo at patuloy ang gobyerno sa pagbuo ng mga repormang pang-Edukasyon to serve us the best chance we can grab. It is the nation’s ultimate investment. They are molding you to become future leaders, future heroes.
Pangalawa ay ang mismong paaralan. Is it conducive for learning? Well, sa pagkakaalam ko, ang Bantug-Lintao Elementary School ang isa sa mga pinakamalinis na paaralan dito sa atin. Bukod pa rito, ay ang magandang lokasyon nito na tahimik at malayo sa mga ingay ng kalsada. Does it have enough facilities to support the needs of our students? I remember when I was in Grade 6, and Bantug Lintao had its first mini-library. It is very important because it provided us extra knowledge and support. The very first book I read was Astronomy, kept on reading it everyday and I was able to utilize it during my Earth Science classes in High School and College. Ngayon, meron na ding computer room which is vital in order for our students to innovate, to be competitive in the world of technology.
Pangatlo ay ang inyong mga kaibigan. According to a research by Sigmund Freud on Pediatric Nursing, sa ganitong mga edad childhood to adolescene ay mas pinakikinggan nila ang kanilang mga kaibigan. Kaya siguro ho napapansin niyo na mas gusto pa nilang sumama sa kanilang kaibigan kesa sa kanilang magulang. Normal lang ho iyon. It is a part of growing up. Studying is really difficult at times, and through the help of your peers, you can make it easy and enjoyable. 8 years ago, I met my best friends. Sampu ho kaming magbabarakada. We have a lot of things in common at isa rito ay ang paghahangad ng mas matiwasay na pamumuhay. Nagkaisa kami sa pagbuo ng layunin, sa pagbuo ng pangarap. Ngayon, anim sa amin ay Rehistradong Nars, ang isa ay Engineer, ang isa ay Chef at ang isa’y malapit ng maging Doctor. Ganun dapat ang magkakaibigan, you must help each other to achieve your dreams. Dapat ay magkaisa kayo sa pagbuo ng layunin upang magtagumpay sa mga hamon ng buhay. And if you think that you are the only one that strives for the best, then you are probably in the wrong circle. Make friends with others or with everyone. The more comfortable you become with a more diverse group of people, the more you will accustom yourself to the art of versatility later in life.
Pang-apat ay ang mga magulang. Kayo po ay may malaking bahagi upang makamit ng inyong mga anak ang matibay na pundasyon ng edukasyon. Kayo po dapat ang magbigay inspirasyon upang mag-aral sila ng mabuti. Parents are coaches, so you must provide strategies for them to be champions. You must give reinforcement at home. Give more time to your children because if you keep on ignoring them, it will make them feel irresponsible and they will lose interest in study. Tinutulungan niyo po ba ang inyong mga anak sa kanilang pagrereview? Tinatanong man lang ba ho natin sila kung kumusta ang bawat araw-araw nila sa paaralan? Minomonitor niyo ho ba ang kanilang grado at ano ang ginagawa mong hakbang upang matulungan sila sa mga aralin kung saan sila nahihiarapan? Naturuan nio silang bumigkas noong sila ay maliit pa. Naturuan nio silang maglakad, magdasal, bumasa at sumulat and your role doesn’t end there. Dapat ay patuloy ang inyong pagturi at paggabay hanggang sa abot ng inyong makakaya. Dapat ay huwag kayong magsasawa na suportahan ang inyong mga anak. Pilitin ho nating makapagtapos sila sapagkat hindi lang naman sila ang makikinabang kundi kayo rin. Hindi ba’t napakasarap sa pakiramdam yung maglalakad kayo diyaan ay may mga magsasabing, “ah yung anak niyan teacher”, “ah yung anak niyan Doktor, Nurse at iba pa”? Kesa marinig ung “ay ung anak niyan hindi nakatapos!”, “ung anak nian adik, lulong sa bisyo” at kung ano-ano pa. Kaya ngayon, ay dapat tayong sumaludo sa mga magulang na bagama’t kulang sa kaalaman ay pinilit tayong turuan. Gusto kong palakpakan natin ang mga magulang na naghirap at gumapang para tayo ay makapagtapos.
Pang-lima ay ang ating magigiting na teachers. Sila ang may pinakamalaking kontribusyon sa pagpapanday ng dekalidad na edukasyon. Sila ang humuhubog sa moralidad ng isang mag-aaral. Sila ang tumutulong sa pagpapatalas ng ating kaisipan. Sila ang nagdidiskubre ng ating talento at sila ang nagpapahusay lalo ng ating mga kakayahan. Alam mo ba kung gaano kahirap ang ginagawa nilang paghahanda mabigyan lang tayo ng magandang aralin? Alam mo ba kung gaano sila katiyaga sa pagtutuwid sa atin patungo sa tamang landas? Alam mo ba kung gaano sila kaunawa sa pag-intindi sa ating mga kamalian? Alam mo ba na kahit may karamdaman sila ay hindi nila tayo pinababayaan at patuloy na ginagawa ang kanilang trabaho to give us the best education we can ever have? They keep on enhancing your skill and bring out the best in you, so you can have a wonderful life in the future. Kung napagalitan ka man ng iyong guro, o napagbitawan ng masakit na salita, ay huwag ka sanang magtatampo. Bagkus ay magpasalamat ka, dahil sa iyong pagtanda, you will realize that those things actually motivate us to be better and better each day. Sometimes, teachers are underappreciated, underpaid, and under a lot of undeserved pressure. Yet they hold the future of our communities and our nation in their hands. I've always been impressed by how a single positive remark from one teacher can influence a student's path. I’ll never forget my Bantug-Lintao teachers, Ms. Marietta Diza, Ms. Eva Valdez, Ms. Precy Ragojos, Ms. Dolly Raymundo, Mr. Virginio Simpliciano, and Ms. Oliva Espiritu. Thank you for giving me courage. Thank you for giving me strength, patience. You really made me a better person. I also want to thank our present teachers, im sorry that I don’t know your names, but in behalf of our graduating students. Im sure they feel glad, you became their teachers. Kaya gusto kong sabay-sabay tayong magpasalamat sa ating magigiting na guro, our modern day heroes, sa pamamagitan ng isang masigabong palakpakan!
Quality education is a collaboration. A collaboration between us, the environment, our home and school. Dapat ay magsanib-pwersa ang lahat para matulungan ang ating mga kabataan. The development of our kids is set primarily at home and in school, and when these two environments are attuned to each other, your child benefits the most.
Pang-anim ay ang ating mga sarili, the student itself. Ikaw mismo ang tutulong sa sarili mo upang makamit mo ang iyong pangarap. Dapat ay pumapasok ka, hindi dahil inenroll ka ng magulang mo, kundi dahil gusto mong matuto, gusto mong maging isang intelehenteng indibidwal, maging isang mabuti at disiplinadong tao, maging magalang at maging mapagmahal sa kapwa. Elementary education is the primary vessel in order for a person to learn his/her values. Dito mo unang matututunan kung anong tama at mali, at ang iba’t ibang ugaling wagi. Kailangan mong seryosohin ang iyong pag-aaral dahil isa itong malaking biyaya, yan ay karapatan at hindi isang pribilehiyo. Life is dark if we stop aquiring education. Nowadays, opportunity is scarce, jobs are difficult to get so you must strive harder. Siguro nga ang iba sa inyo ay hindi pa lubos na naiintindihan ang kahalagahan ng edukasyon, pero gusto kong malaman niyo na ang buhay niyo ay pwede pang magbagao. Pwede ka pang magkaroon ng komportableng pamumuhay.
Ngunit sapat na ba na mayroon ang mga taong nabanggit ko upang makamit ang dekalidad na edukasyon? Hindi! Sapagkat kailangang salubungin mo ito ng mga hakbang na ikaw mismo ang tanging makagagawa. Tulad nga ng sabi ko, ang dekalidad na edukasyon ay isang kolaborasyon. Una, study well. Pangalawa, listen but listen with understanding. Kailangang unawain mo kung ano ang ipinapahayag ng bawat aralin. Pangatlo, absorb everything. Kailangan mong isapuso at isaisip ang lahat ng natutunan mo, at itatak mo ito sa iyong pagkatao. Pang-apat, prepare enough. This is not a battle of intelligence, but of readiness. Hindi sapat na matalino ka lang. Gaano ka ba kahanda sa pagharap ng bawat tanong sa iyong exam? Ilang oras ba ang iginugol mo para magreview? I remember when I was about to take the Philippine Nurses Licensure Exam, inumpisahan kong magreview 6 months prior to it. I became the teacher of myself. Araw-araw kong tinuturuan ang sarili ko ng bawat aralin sa Nursing. Noong una mahirap, hanggang sa nasanay ako at hindi na ako makatulog sa gabi ng hindi nagbubuklat ng libro. Araw araw ko ding hinarap ang libo-libong practice questions para lang makapasa, and eventually I made it. Pang-lima, Apply. Ang lahat ng natutunan mo ay hindi nagtatapos sa gate lamang ng paaralan, o sa pinto ng silid aralan. You have to apply everything you’ve learn anywhere you go and in whatever you do. Of course, overflowing will and determination is badly needed. Because sometimes, the difference between a successful person and others is not a lack of strength, not a lack of knowledge but rather a lack of will. You also have to be proud of yourself and believe that you can make it, because you cannot make otrhers believe in you if you, yourself don’t.
Ang edukasyon ay parang bala, na iyong magiging sandata na tutulong sayo sa iba’t ibang digmaang darating. Para din itong isang patalim na pilit magpapatalas ng iyong kaisipan. I want to share these beliefs dahil iyon ang tumulong sa akin patungo rito, kung saan ako ngayon. I was consistent as a 2nd honor during the first five years of my Elementary days, but due to my endeavor, my eagerness, I graduated as Valedictorian in 2004. I was an academic scholar from 2004 to 2012. I attained the highest score in Chemistry of all 2,700 subject enrollees at Our Lady of Fatima University in Quezon City, way back 2008. I passed the Comprehensive Examination and Qualifying Examination with gleaming grades in 2012. And in 2013, I am one of 16,000 out of 37,000 Nursing Board Passers. Soon, I will be taking the IELTS for United Kingdom, and im no longer afraid to take risk. Why? Because I already surpassed a lot, and im not afraid to fall, because failure is a common ingredient that successful people has.
Ngunit ano nga ba ang depinisyon ng saktong-buhay? Iyan ba ay nasusukat sa dami ng pera sa iyong bank account? Iyan ba ay paramihan ng pagmamay-aring lupain? Yan ba ay pagkakaroon ng iba’t ibang mamahaling sasakyan? Malaking bahay? Madaming negosyo? Sa tingin niyo? Sino sa dalawang taong may dekalidad na edukasyon ang tunay na nakakamit ng saktong-buhay? Isang mayamang indibidwal na mayroong limang sasakyan, at nakatira sa isang mansyon ngunit araw-araw na ginagawang miserable ang buhay ng kanyang mga tauhan? O ang isang negosyante na bagama’t hindi nakatira sa isang mansyon ay mahal ng karamihan dahil sa pagiging mabuting tao, ama at boss? Para sa akin, ang saktong buhay ay ang pagiging masaya sa iyong napiling larangan. Pagiging isang indibidwal na kayang makipagsabayan sa mga kumpetisyon ng buhay. Pagiging mapagmahal na ama, ina, anak. Pagiging isang mabuting tao at pagiging magalang sa karapatan ng bawat isa. Pagiging mapagmahal sa kalikasan, may takot sa Diyos at marunong makipag-kapwa-tao. Ang saktong buhay ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang aspetong aking nabanggit na siyang bumubuo sa isang dekalidad na edukasyon. Ikaw? Ano ang saktong-buhay para sayo?
To our dear parents and loving teachers, you are gathered here to reap the result of your exhaustion, thirst, hunger and sleepless nights. So seize the moment because you really did a great job. To the graduates. I hope that you continue acquiring quality education. I hope that someday, we’ll see each and everyone of you excells in your chosen career. You are the future, and if you want a good future, you should transform into a better version of yourself. Dream big and make your dreams so real, and keep it alive. Surely you will have a bright future. You’ve already come this far and I pray thay you continue rising to the top. Well done, Batch 2015 and Congratulations to everyone.
Getting quality education is NOW, don’t ever say NEVER.
Thank you at Mabuhay po tayong lahat!
(March 25, 2015)